MANILA, Philippines – SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok bukas, Oktubre23, araw ng Miyerkules, sa trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Luzon.
Ito’y bunsod ng masamang panahon na dala ng Tropical Storm “Kristine” na makaaapekto sa buong bansa partikular na sa Island of Luzon.
Sinabi ng Tanggapan ng Executive Secretary (OES) na ang mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at health services, preparedness/response sa mga sakuna at kalamidad at/ o pagganap sa ibang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy ng kanilang operasyon at pagbibigay ng kailangang serbisyo.
Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno. Kris Jose