Home METRO #WalangPasok sa Lucena City sa Agosto 20

#WalangPasok sa Lucena City sa Agosto 20

LUCENA CITY- Idineklara ng Malacañang ang Agosto 20 bilang special non-working holiday sa capital city ng lalawigan ng Quezon para sa ika-63 Charter Day anniversary nito.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Lucena be given full opportunity to participate in the occasion and celebrate,” saad sa Proclamation No. 640, ipinalabas noong Hulyo 29, at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nag-post din ang city public information office nitong Miyerkules ng kopya ng proklamasyon sa social media.

Naging chartered city ang Lucena noong Hunyo 17, 1961, sa pamamagitan ng Republic Act No. 3271  na inisponsoran ni dating Quezon Rep. Manuel Enverga.

Subalit, ipinagdiriwang ng lokal na pamahalaan ang okasyon tuwing ika-20 ng Agosto upang gunitain ang pormal na inagurasyon nito bilang lungsod noong Agosto 20, 1962. RNT/SA