Home METRO #WalangPasok sa San Juan sa Mar. 27

#WalangPasok sa San Juan sa Mar. 27

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang suspensyon ng trabaho at klase sa lahat ng antas sa Marso 27 bilang pagdiriwang ng “Araw ng San Juan.”

Batay ito sa R.A. 7669, na nagpapagunita sa anibersaryo ng pagiging isang malayang bayan ng San Juan sa ilalim ng Philippine Commission Act No. 1625.

Sakop ng suspensyon ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor, pati na rin ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod. RNT