Home ENTERTAINMENT Wallpaper ng cp ni Don, si Bea!

Wallpaper ng cp ni Don, si Bea!

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang actor na si Dominic Roque dahil napansin ng ilang netizens na ginawa niyang wall paper sa cellphone ang actress na si Bea Alonzo.

Sa post kasi ni @Bonal Robel sa kanyang FB ay nahagip sa camera ang hawak na cellphone ni Dominic habang nagbi-video ito kasama ang audience.

Makikita sa naturang cellphone ang lockscreen na picture ng isang babae. Hindi man malinaw ngunit ayon sa ilang netizens ay si Bea raw ito.

Ilang netizens rin ang nakapansin sa bagong post ni Dominic sa Instagram na kasama roon ang picture ng aso ni Bea.

Kaya maraming netizens ang nag-assume na baka nagkabalikan na raw ang dalawa. Ador Saluta