MANILA, Philippines – ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng awtoridad sa Taipei dahil sa kasong panloloko.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Che Szu-Han, 26, na naaresto sa Clark freeport sa Mabalacat, Pampanga sa bisa ng mission order.
“He will be deported after our board of commissioners issue the order for his summary deportation. He will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon sa BI chief.
Ayon naman kay BI-Fugitive Search Unit (FSU) acting chief Rendel Ryan Sy, ang warrant laban kay Chen ay insiyu ng Taipei district prosecutors’ office.
Inakusahan ng Taiwanese authorities si Chen na miyembro ng sindikato na nandadaya sa mga kababayan nito sa pangongolekta ng pera na idinideposito nito sa kanyang bank accounts.
Kanselado na rin ang kanyang passport dahil sa pagiging undocumented nito. JAY Reyes