TARLAC- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping matapos masukol ito sa ikinasang manhunt operation sa pagpapatupad ng programang Oplan Galugad ng pulisya sa bayan ng Moncada.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Palos”, 46 anyos na Most Wanted sa kasong paglabag sa New- Anti-Carnapping Law.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni San Carlos City, Pangasinan RTC Branch 56 Judge Hon.Magnolia Velez-Cayetano makaraang matunton at maispatan ito ng mga awtoridad sa kanyang pinagtaguan sa Moncada, Tarlac.
May inirekomendang piyansa ang korte na halagang P300,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO