Home HOME BANNER STORY Warrant of arrest kay Quiboloy susubukan ulit isilbi ng PNP

Warrant of arrest kay Quiboloy susubukan ulit isilbi ng PNP

MANILA, Philippines – Nakatakdang subukan ulit ng Philippine National Police (PNP) na isilbi ang warrant of arrest laban sa puganteng pastor na si Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound ngayong Sabado ng umaga, Agosto 24.

Naghahanda nang pumasok sa KOJC compound sa Buhangin District, Davao City ang daan-daang tauhan ng PNP mula sa Regional Office XI.

Ayon kay Brigadier General Nicolas Torre III, PNP Region XI director, plano nilang gumamit ng pwersa papasok ng compound.

Iniulat ni Villacorte na libo-libong pulis ang pumasok sa compound bandang 5:27 ng umaga.

Matatandaan na sinubukan ng PNP na magsilbi ng warrant of arrest noong Hunyo 10, 2024 laban kay Quiboloy kung saan gumamit ng hagdan ang mga pulis para makapasok sa compound.

Nagdulot pa ito ng tension sa pagitan ng mga tagasunod ni Quiboloy.

Kung babalikan, nahaharap si Quiboloy sa kasong paglabag sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act and under Section 10(a).

Nahaharap din ito sa non-bailable Qualified Human Trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, na inamyendahan a Pasig court. RNT/JGC