Home NATIONWIDE Water conservation campaign, bubuhayin ng DENR sa gitna ng inaasahang epekto ng...

Water conservation campaign, bubuhayin ng DENR sa gitna ng inaasahang epekto ng Super El Niño

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang buhayin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang water conservation campaign nito habang naghahanda ang bansa sa posibleng mas malakas na epekto ng El Niño phenomenon.

Sa press briefing sa Malakanyang, hinikayat ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna ang publiko “to use water wisely”, binigyang diin na ang bawat isa ay may papel sa pagprotekta sa suplay ng tubig sa bansa.

Ani Cuna, ang dami ng tubig na available ay depende kung paano ito mabilis na gagamitin lalo na kung ang ulan ay ‘below normal’ sa mga darating na buwan.

“Kailangan po every individual, lahat ng mamamayan, gawin natin ang part natin by conserving water,” ayon kay Cuna.

Sinabi pa niya na hindi maaaring magpatuloy ang bansa sa “business as usual” at nanawagan sa publiko na iwasan ang hindi kinakailangang paggamit ng tubig, kabilang na ang sobrang paggamit ng tubig para sa car washing, paglilinis ng driveways at iba pang non-essential activities.

Bubuhayin din ng DENR ang dati nitong direktiba para sa golf courses na gumamit ng recycled water para sa mga aktibidad na hindi nangangailangan ng inuming tubig.

Hinikayat din ni Cuna ang mga households at mga komunidad na kolektahin ang tubig-ulan at muling gamitin ang tubig para sa paghahalaman at iba pang naangkop na paggamit.

“Sayang po ang natatapon na tubig,” ang sinabi ni Cuna.

Tinuran pa ni Cuna na makikipagtulungan ang DENR sa local government units para sa monitoring at i-promote ang water conservation efforts sa kani-kanilang lugar.

Nanawagan naman ang DENR sa publiko na simulan na ang pagtitiid sa tubig habang ang gobyerno ay naghahanda para sa posibleng mas malakas na epekto ng El Niño.

Samantala, pangangasiwaan naman ng National Water Resources Board (NWRB) ang water allocation para sa pag-inom, irigasyon at power generation. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here