Home NATIONWIDE Water service interruptions posible sa epekto ng amihan – Maynilad

Water service interruptions posible sa epekto ng amihan – Maynilad

219
0

MANILA, Philippines – Maaaring magkaroon ng limitadong produksyon ng tubig mula Laguna de Bay ang Maynilad sa southern Metro Manila dahil sa malalakas na hangin dulot ng Amihan, ayon sa opisyal ng kumpanya nitong Martes.

Iniulat ng Maynilad na libu-libong konsumer ang nakaranas ng water interruption noong nakaraang linggo dahil sa turbidity ng hilaw na tubig mula sa lawa.

Bagama’t bumalik na sa normal ang suplay, may ilan pa rin, lalo na ang walang motor pump, na nakararanas ng mababang pressure o walang tubig.

Paliwanag ni Greg Antonio, Maynilad Water Production South Head Engineer, na ang hangin na may bilis na 30 kilometro kada oras ay nag-iistorbo sa mga sediment sa lawa, na nagdudulot ng turbid na tubig.

Kayang linisin ng normal na filtration ang tubig na may 200 NTU, ngunit dala ng Amihan ay umaabot sa 400 NTU ang turbidity, na nagpapababa ng kapasidad ng planta ng kalahati at naglilimita sa suplay.

Sa ganitong sitwasyon, nag-aalerto ang Maynilad sa mga konsumer para makapaghanda ng imbakan ng tubig.

Dagdag pa ni Antonio, ini-adjust ang ilang valves at nagpapatupad ng network optimization upang idirekta ang sobrang suplay mula sa hilaga, na kumukuha mula sa Angat Dam, para suportahan ang timog.

Ang suplay mula hilaga ay kayang magbigay ng 5 hanggang 6 bilyong litro kada araw, sapat para sa humigit-kumulang 75,000 kabahayan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here