Manila, Philippines- You cannot really please everybody.
Lalo siguro na-reinforce ang kapaniwalaang ito base sa persepsyon ni Anne Curtis.
Her having a wax figure at Madame Tussauds in Hongkong was met with howls of protest.
Nitong November 27 ay in-unveil na sa Makati City ang wax figure ng TV host-actress.
Sa December 9 ay nakatakda itong i-display sa MT Hongkong.
Anne’s wax figure is shown wearing a cream Dior gown na isinuot niya sa isang event sa Tiffany & Co.
Makikita ring may hawak na mikropono ito.
Ani Anne, “powerful tool” daw para sa kanya ang microphone as she uses it for hosting, giving a speech as UNICEF ambassador, hosting her daily program It’s Showtime and doing concerts lalo na sa Araneta Coliseum.
Asked kung ano ang pakiramdam niya’t ginawan siya ng wax figure, Anne said: “I am honored, excited and thrilled!”
In fairness, she has received a lot of congratulatory messages.
Pero kung may natutuwa, may mga nagtataas din ng kilay.
Sino raw si Anne para gawan ng wax figure?
May adbokasiya ba siya?
Beauty queen din ba siya tulad nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong may wax figures sa MT?
Bago raw si Anne, dapat munang gawan ng wax figure ang mga tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta.
Naabot na raw ba ni Anne kahit kalingkingan ng mga achievements ng tatlong artistang nabanggit?
At kung kay Sarah Geronimo lang daw ay ‘di hamak na mas deserving ang Popstar Royalty na magkaroon ng wax figure! Ronnie Carrasco III