TRENDING sa social media ang video hinggil sa drug bust starring ang Navotas City Police at dalawang hinihinalang miyembro ng Olongapo-based drug group.
Animo’y nanonood ka sa pelikula habang isinasagawa ng intelligence at anti-narcotics units ng Navotas Powlice ang pagdakip kina Rong Shi, 40 at Rose Martinez, 28.
Ang mga suspek ay parehong residente ng Barangay Manganvaka, Subic, Zambales.
Inaresto sina Shi at Martinez bandang alas 6 ng umaga noong Lunes, Disyembre 16 sa Road 10, Brgy NBBN ng police team na pinangunahan ni Capt. Luis Rufo.
Nakuha sa dalawa ang 2,226.6 gramo o mahigit dalawang kilo ng shabu na may street value na hindi bababa sa P15 million, ayon kay PCol. Mario Cortez, chief of police ng Navotas.
Mula sa tip ng isang informant ay ikinasa ang operation kung saan target ang drug syndicate na nakabase sa Olongapo City na kinabibilangan nina Shi at Martinez.
Masalimuot na pag-aaral at pagtitiktik ang ginawa ng mga pulis-Navotas sa aktibidad ng drug group at nang makatiyempo ay kaagad na isinakatuparan ang shabu bust.
From day 1 na makuha ang info ay hindi na huminto ang tropa sa pagsasagawa ng intel-driven-operation hanggang magpositibo ang trabaho, pahayag ni Col. Cortez.
Well-executed ang ikinasang operation kaya mismong si Mayor John Rey Tiangco – na sumugod pa sa lugar ng drug bust – ay natuwa sa kapulisan ng Navotas.
Bukod kay Rufo ay ‘hats-off’ tayo kina Capt. Gregorio Cueto, Capt. Felcerfi Simon at Sgt. Flosine Mar Nebre nagsilbing poseur buyer kaya naging matagumpay ang operasyon.
Dahil sa achievement na ito ay nakatitiyak ng awards ang Navotas Police mula kina Northern Police District director PCol. Josefino Ligan at National Capital Region Police Office director PBGen. Anthony Aberin.
Good job Navotas Police.