Home NATIONWIDE West Philippine Sea Education Act isinusulong sa Kamara

West Philippine Sea Education Act isinusulong sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Sa hangarin na ituro sa mga estudyante ang katotohanan, naghain ng panukalang batas ang House Young Guns na naglalayong ituro sa mga mag-aaral ang totoong kalagayan sa West Philippine Sea.

Ang Young Guns ay kinabibilangan nina  Deputy Speakers Francisco Paolo Ortega at Jefferson Khonghun, kasama sina Representatives Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong, Ramon Rodrigo  Gutierrez, at Ernesto Dionisio Jr.

Ang House Bill No. 10587 o ang “West Philippine Sea Education Act” ay naglalayong itatag ang isang komprehensibong West Philippine Sea Education and Awareness Program at isama ang angkop na aralin tungkol dito sa basic at higher education curricula, sabay pagpapalaganap ng kaalaman sa maritime rights ng Pilipinas base sa Konstitusyon, Republic Act No. 12064 o ang Philippine Maritime Zones Act, UNCLOS, at ang 2016 South China Sea Arbitral Award.

“Filipino students must learn the facts that we are advocating for a rules-based international order, and that the West Philippine Sea is rightfully ours,” ayon sa magkakasamang pahayag ng House Young Guns.

Dagdag pa nila, madaling maimpluwensyahan ang kabataan ng fake news at propaganda kaya obligasyon ng pamahalaan  na ituro sa mga ito ang tama at batay sa ebidensyang kaalaman sa karapatan ng bansa.

“It is very unfortunate that even some public officials are openly spreading the pro-China narrative and defending them while they water-cannon our men and the fisherfolk. This cannot continue.” giit ng mga mambabatas sa kahalagahan ng pagpasa sa panukala.

“Naniniwala kami na dapat lahat ng Pilipino lalong lalo na ang mga halal ng bayan  ay hindi dapat maging traydor. Dapat tayo ay manindigan kung ano ang sa atin,” diin ng grupo.

Sa ilalim ng HB 10587, atasan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na bumuo ng standardized at regular na ina-update na learning materials ,  gagawin ito kasama ang NAMRIA, National Security Council, Department of Foreign Affairs, National Maritime Council, Philippine Coast Guard, at iba pang kaugnay na ahensya.

Sakop din ng panukala ang capacity-building para sa mga guro, mga public awareness campaign sa buong bansa, at pananaliksik hinggil sa maritime security, marine biodiversity, mga claim ng Pilipinas sa dagat, at kapakanan ng mga komunidad sa baybayin. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here