Home ENTERTAINMENT Will to Win, tuloy na; Kuya Wil, may pakulo!

Will to Win, tuloy na; Kuya Wil, may pakulo!

Manila, Philippines – Ayon nga sa pamosong linyang pinauso ni Rufa Mae Quinto: “Todo na ‘to!”

Tila ito ang gustong hiramin pansamantala ni Willie Revillame na naghahanda na sa pagbabalik ng kanyang daily show.

Sa pakikipagsanib- puwersa sa Media Quest Ventures, ilang tulog na nga lang ay mapapanood na sa TV5 ang rebranded na Will to Win.

Ito ang inanunsyo ni Willie sa Facebook nitong June 14.

Minabuti niyang hindi gamitin ang program title na Wowowin which last aired on AllTV for a brief period of time.

Bago rito’y bumilang muna ng maraming taon amg Wowowin sa GMA.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon, naniniwala ang TV host na there’s a need to drumbeat the program at its loudest.

Kumbaga, kanya-kanya raw gimik o pakulo ‘yan to pique the viewers’ interest.

May naisip tuloy na “paeklat” si Kuya Wil, this via a grand “WINference” on June 24.

Through this event ay magkakaroon ng pagkakataon ang media at ang mga viewers na magtanong kung ano ang kanilang inaasahan sa Wil to Win.

Sa bago nga nitong logo ay mapapansin ang thrust ng programa.

Idagdag pa raw ang bagong slogan nitong: “Pag may Wil to Win, lahat kayang gawin!”

Balitang ang nasabing show ay ka-back-to-back ng Eat Bulaga sa TV5. Ronnie Carrasco III