MANILA, Philippines – Iminungkahi ng isang mambabatas sa Senado na ipatupad ang work-from-home at iba pang flexible work arrangements bilang praktikal na tugon sa posibleng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan sa gitna nang tumitindiing tensiyon sa Gitnang Silangan.
Sa pahayag, sinabi ni dating majority leader Joel Villanueva na nagbigay ng policy framework ang Republic Act 11165 o ang Work-From-Home Law upang magamit nang todo ang batas upang mabawasan ang pagbiyahe.
“Sa panahon na tumataas po ang presyo ng langis dahil sa mga kaguluhan sa ibang bahagi ng mundo, dapat pong gamitin natin ang mga mekanismong mayroon na tayo sa batas upang makatulong sa mga manggagawa,” ayon sa senador.
Naisabatas nong 2018, na nakatakda sa batas ang work-from-home arrangements sa pribadong sektor, na pinapayagan ang emoleyado na magtrabaho sa kani-kanilang tahanan kaysa pumasok sa kanilang trabaho gamit ang telekomunikasyon at digital technology.
Bukod sa pagtatrabaho sa tahanan, maaaring gamitiin din ng empleyado ang alternatibong work arrangement tulad ng “hybrid work setups, compressed workweeks, staggered working hours at flexible schedules to help reduce commuting demand.”
“Hindi lang benepisyo sa empleyado ang epekto ng Work-from-Home law. Isa rin po itong praktikal na hakbang upang mabawasan ang konsumo ng gasolina at diesel lalo na at inaasahan po nating sisipa pataas ang presyo dulot ng kaguluhan sa Middle East,” aniya.
Sakaling maisakatuparan ang alternatibong pamamaraan ng pagtatrabaho, malaki ang maitutulong nito sa pagbabawas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko, mababawasan ang gastusin sa pamasahe ng manggagawa at mapapahusay ang produktibidad habang nilalandas ng bansa ang pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa mambabatas.
Nakatakda naman sa Memorandum Circular No. 06 na ipinalabas noong hunyo 2022, inatasan ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat na ipatupad ang pinagtibay flexible work arrangements
“The policy institutionalizes adaptable and responsive work schemes for civil servants despite disruptive situations,” ayon sa kalatas ng CSC. Ernie Reyes