Home ENTERTAINMENT Xian, aminadong masakit ang magmahal!

Xian, aminadong masakit ang magmahal!

Manila, Philippines – Makahulugan ang mga binitiwang pananalita ni Xian Lim nang maging panauhin siya ni Boy Abunda sa Fast Talk.

Natanong kasi ng King of Talk ang actor tungkol sa mga natutunan niya sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig.

Aniya, walang katumbas daw ang dalang magic ng feeling ng isang taong umiibig.

Gayunpaman, may dulot din daw na sakit ito na kasama raw sa proseso.

Dumarating din daw sa punto na nawawala ito habang lumalaon.

“Love is very painful, and it’s also a very magical feeling,” aniya.

“I think that’s what love does to you but at a certain point, love disappears,” dugtong niya.

Hirit pa niya, kapag nawala na raw ang pagmamahal, nagiging choice na lang daw ito sa dalawang taong involved sa isang relasyon.

“And I think, doon na magiging choice ang pagmamahalan. You choose to stay together and you choose to fight for each other, no matter what it is,” bulalas niya.

Dahil sa tinuran niyang ito, nagkaroon tuloy ng haka-haka ang kibitzers na nag-break diumano sila ng ex na si Kim Chiu dahil nawalan siya ng amor sa chinita actress.

Sa naturang panayam, sinabi rin ni Xian na umiikot ang mundo niya ngayon sa kanyang pamilya na siyang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at sense of purpose.

Aniya, ang pamilya raw niya ang dahilan kaya siya nagtatrabaho araw-araw.

Ang loveteam at relasyon ng KimXi ay tumagal ng humigit-kumulang na labindalawang taon. Archie Liao

Previous articleShaira Moro, may pakiusap sa followers!
Next articleOnline voting sa overseas Pinoys isinusulong ng Comelec