Home ENTERTAINMENT Xian, may open letter sa nanay ni Kathryn!

Xian, may open letter sa nanay ni Kathryn!

Manila, Philippines- Naglabas ng open letter sa kanyang Facebook page si Xian Gaza.

Kilala si Xian bilang Pambansang Marites na Lalaki na lahat na lang yata ng isyu sa showbiz ay pinanghihimasukan.

Laman ng open letter ni Xian kay Mommy Min, ina ni Kathryn Bernardo, ang kanyang payo.

Bale ba, damay rin ang kaso nina Jake Zyrus at Sarah Geronimo sa kani-kanilang mga respective mothers.

Saad ni Xian, 28 taong gulang na raw si Kathryn na alam na ang tama’t mali sa buhay.

Bakit daw kinakailangang kontrolin ni Mommy Min ang buhay ng anak?

Isinahalimbawa ni Xian ang pagbabawal ng ina na kausapin ang dati nitong nobyo na si Daniel

Padilla.

Ang ikinatatakot ni Xian, baka ang ending niyan ay matulad kay Jake dahil sa walang kuwenta nitong ina.

Mas nakatuon daw kasi si Racquel Pempengco sa “pera, pera, pera” na kinikita ng anak kesa sa kapakanan nito.

No wonder daw, nagrebelde si Charice!

Maging si Mommy Divine na ina ni Sarah ay “pinasadahan” din ni Xian.

Balita kasing kontrolado ng ina ang Popstar Royalty na hanggang ngayo’y kaalitan pa nito.

Inuurot ni Xian si Mommy Min na “gumising na” bago pa mahuli ang lahat.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Ginang Bernardo. Ronnie Carrasco III