ITINALAGA ang dating Political Chief Officer ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Gerald Dequina sa Xray Department ng Port of Manila sa ilalim ng Bureau of Custom (BOC).
Ito ay upang matulungan malinis ang naturang ahensya mula sa negatibong imahe nito.
Si Dequina ay 17 taon nagsilbi bilang political officer hindi lamang kay Marcos kundi sa iba pang mga senador tulad nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at dating Senador Francis “Tol” Tolentino.
Tiwala ang Pangulo na sa kanyang pagtatalaga kay Dequina sa BOC ay higit itong makakatulong sa kanyang adminitrasyon upang linisin ang ahensya lalo na’t wala namang bahid o isyu ng korupsyon ito sa kanyang paninilbihan sa pamahalaan.
Inaasahan din ng Pangulo na gagamitin ni Dequina ang kanyang 17 taong karanasan na paglilingkod sa pamahalaan sa bagong puwestong ipinagkaloob sa kanya.
Magugunitang napaulat na mayroong tinatawag na Mr. Bibingka ang BOC sa naturang departmento.
Hindi naman naitago ni Dequina na kanyang pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo.
Tiniyak ni Dequina na hindi niya hahayaang mayurakan hindi lamang ang kanyang pagkatao kundi ang maging kasalukuyang adminitrasyon na nagtiwala sa kanya ng lubusan para sa kanyang puwestong inuupuan.
Kailanman ay hindi kasi iniwan ni Dequina ang Pangulo matapos ang termino nito bilang senador, at kahit hindi pinalad na maging Bise Presidente noong 2016 ng siya ay tumakbo at noong mawala na sa senado si Dequina ay patuloy siyang sumusuporta at tumutulong sa lahat ng programa ng Pangulo. RNT