Home NATIONWIDE Yellow alert, itinaas sa Visayas power grid kasunod ng lindol

Yellow alert, itinaas sa Visayas power grid kasunod ng lindol

296
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Visayas power grid nitong Miyerkules matapos magprisintang mag-shutdown ang ilang planta dahil sa magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu.

Saklaw ng alerto ang oras mula 1 p.m. hanggang 12 midnight, kung saan nasa 1,888 MW ang available capacity kumpara sa 1,839 MW na peak demand. Ang yellow alert ay nangangahulugang kulang ang reserbang kuryente para sa contingency needs.

“Twenty-seven plants are on forced outage due to the earthquake, 16 others have been unavailable even prior to the incident; while one other is running on derated capacity, for a total of 1,654.7 MW unavailable to the grid,” ayon sa NGCP.

Ilan sa mga transmission lines na nananatiling sira ay ang Daanbantayan-Tabango, Daanbantayan-Compostela, Tabango-Kananga, Kananga-Ormoc, Ormoc-Babatngon, Babatngon-Paranas, Paranas-Calbayog, Ormoc-Maasin L2, at Isabel-Pasar lines.

Patuloy ang restoration sa Leyte-Samar sub-grid, habang normal na ang operasyon ng kuryente sa Panay, Negros, Cebu, at Bohol. Nanatiling normal din ang operasyon sa Luzon at Mindanao grids. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here