Home NATIONWIDE Lindol sa Cebu, pagputok ng Taal ‘di konektado – Phivolcs

Lindol sa Cebu, pagputok ng Taal ‘di konektado – Phivolcs

355
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules na walang kaugnayan ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu at ang panandaliang pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

“Wala pong connection yung paglindol [sa Cebu] sa pagputok ng Taal Volcano,” ayon kay PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam.

Ipinaliwanag niya na ang Taal, na nasa Alert Level 1, ay madalas magpakita ng pag-aalburoto. “Every now and then, at Alert Level 1, it really erupts… we have more than 90 phreatic and phreatomagmatic eruptions since April last year,” ani Bacolcol.

Naitala ang lindol sa Cebu alas-9:59 ng Martes ng gabi, habang ang minor phreatomagmatic eruption sa Taal Main Crater ay nangyari alas-2:02 ng madaling-araw nitong Miyerkules. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here