Home ENTERTAINMENT Ylmaz, dadalawin si Ruffa at mga anak sa bansa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ylmaz, dadalawin si Ruffa at mga anak sa bansa!March 18, 2025 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Walang eksaktong petsa pero mismong si Ylmaz Bektas ang nagkumpirmang darating siya sa bansa.Si Ylmaz ay ang dating Turkish husband ni Ruffa Gutierrez.Dadalaw daw si Ylmaz dito to reunite with Ruffa and their daughters Lorin and Venice.Hindi man definite ang flight ni Ylmaz mula Turkey ay sinabi niyang “soon” ito.Nito lang sa skin product event kung saan si Ruffa ang ambassador ay naging paksa si Ylmaz.Inamin ni Ruffa na nagpo-propose daw sa kanya ang dating asawa.Ylmaz has never remarried since he and Ruffa divorced.“Boss” ang tawag nito kay Ruffa na ipinagmalaking hindi raw natagpuan ni Ylmaz ang babaeng ipapalit sa kanya.Tinotoo nga ni Ylmaz ang kanyang binitiwang pangako na siya ang pupunta dito sa halip na si Ruffa ang pumunta ng Turkey.Inakala rin kasi ni Ruffa na nagbibiro si Ylmaz nang magyayang bumiyahe all over Europe with their kids by train.Nagbiro pa nga si Ruffa na hindi raw kaya balak siyang “i-murder” ng dating kabiyak?As for Ruffa, nagsabi na ang aktres na hindi siya bukas sa ideya ng pakikipagbalikan kay Ylmaz.“I’d rather be alone than get stressed,” sabi ni Ruffa. Ronnie Carrasco III