Home SPORTS Yulo tumanggap ng bonus na P5M sa DigiPlus, ArenaPlus

Yulo tumanggap ng bonus na P5M sa DigiPlus, ArenaPlus

MANILA, Philippines —  Patuloy ang pag-ulan ng financial incetives kay Carlos Yulo matapos masungkit ang dalawang gintong medalya sa Paris Olympics.

Higit sa anupaman, ang kanyang makasaysayang paglukso sa dalawang gintong medalya sa kabisera ng Pransya ay nakatakdang maging isang stepping stone sa inaasahang windfall ng suporta para sa kanyang ultimate follow-up bid sa Los Angeles Summer Games.

Natanggap ni Yulo nitong Sabado ang kanyang reward na nagkakahalaga ng P5 milyon mula sa DigiPlus at ArenaPlus para idagdag sa kanyang treasure chest matapos mag-uwi ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics.

Ang 24-anyos na si Yulo, naghari  ng floor exercise at vault events sa Paris, ay nag-renew rin ng kanyang endorsement bilang brand ambassador ng DigiPlus at ArenaPlus.

“Nakatulong po sila sa akin before Olympics, especially in training. I’m deeply grateful to DigiPlus and Arena Plus for their unwavering support,” ani Yulo kasama si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, at the “Astig Ka, Carlos” media event at the Gateway 2 Mall.

Ang DigiPlus, ang pinakamabilis na lumalagong kumpanya ng digital entertainment sa Pilipinas, at ang sports entertainment app na ArenaPlus ay nagbigay ng tip kay Yulo

“Lubos na ipinagmamalaki ng DigiPlus na suportahan ang mga kampeon tulad ni Carlos, na ang walang humpay na paghahangad ng kahusayan ay naglalaman ng diwa ng sambayanang Pilipino,” sabi ni DigiPlus chairman Eusebio Tanco.RICO NAVARRO