Home ENTERTAINMENT Zaijan, marunong nang humalik, ginulat ang fans!

Zaijan, marunong nang humalik, ginulat ang fans!

Screenshot

Manila, Philippines- Career move.

‘Yan malamang ang nangyari ngayon sa dating child star na si Zaijian Jaranilla.

Via Puregold digiserye na Si Sol at Si Luna ay mature role na ang ginagampanan ngayon ni Zaijan.

Kapartner ni Zaijan sa nasabing digiserye si Jane Oineza at usap-usapan ngayon ng mga netizens ang trailer na may biggest shocker.

Nagkaroon lang naman ng intimate scene si Zaijian that will mark his transition from the beloved Santino of May Bukas Pa to a full-fledged dramatic actor.

FYi ay viral ngayon sa Facebook at YouTube ang trailer which features a passionate scene between the two actors, directed by acclaimed filmmaker Dolly Dulu.

Isang bold and daring move ang ginawa ni Zaijan at marami ang na-surprise.

“Marunong po akong humalik?” tanong ni Zaijan sa mga media attendees na nasa mediacon.

“I want to experience different roles now pero thankful din ako sa image na nakilala ako.”

In Si Sol at Si Luna, Zaijian plays Sol, a film student deep in thesis work, whose life takes a turn when he meets Luna, an emotionally wounded older woman played by Jane.

Kumpleto ang serye as it tackles themes of emotional timing, grief, and the complexities of love between people from different life stages — making the age gap not just a plot point, but a pivotal emotional axis.

Si Zaijian na mismo ang nagsabi na ang love scene nila ni Jane ay isang major challenge sa kanya.

“Hindi po talaga ako mapakali noong time na ‘yun na ang scene na gagawin namin,” sabi niya.

“Pero sa age ko po, naranasan ko na rin naman ma-in love, so may paghuhugutan na rin ako sa mga scenes at sa pagganap ko sa character.

“Super supportive po ng Star Magic sa akin sa project na ito. Napapasalamat po ako sa kanila.”

Ngunit higit pa sa sensuwalidad, ang tunay na kapangyarihan ng serye ay nasa masalimuot nitong pagtalakay sa dalamhati, pananabik, at ang hindi-mapaliwanag na espasyo sa pagitan ng koneksyon at tamang panahon.

As for Jane, this project further solidifies her versatility as an actress, while providing the space for Zaijian to evolve in a safe, collaborative environment.

Ayon sa caption ng trailer, “Sa isang ordinaryong biyahe, may kwentong hindi mo inaakalang mag-uumpisa.”

Truly, itonaas na naman ng Puregold Channel ang antas ng entertainment.

FYI, ang nasabing channel ang nasa likod ng matagumpay na mga digital hit like ‘My Plantito’ at ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’.

Para kay Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Senior Marketing Manager, ang mga malulungkot ngunit makabuluhang tanong na inilalatag ng ‘Si Sol at si Luna’ ay siyang dahilan kung bakit nakahihigit ito sa mga karaniwang romcom.

“Sa pinakapuso nito, ang serye ay tungkol sa pag-ibig–isang pag-ibig na hindi madali,” ani Hayagan-Piedad.

“Tinanong ng serye: Saan natin natatagpuan ang pag-ibig? Ano ang ginagawa natin kapag dumating ito sa hindi inaasahang panahon? Ang kuwento ni Luna ay tungkol sa pag-ibig sa gitna ng pagdadalamhati. Ang kay Sol ay tungkol sa pag-ibig sa gitna ng pagbabago. Mabubuhay kaya ang pag-ibig sa ganitong mga kalagayan? Iyan ang gustong pag-isipan ng serye.”

Produced for streaming exclusively on the Puregold YouTube Channel, the series is set to premiere on May 31, with new episodes dropping every Saturday. JP Ignacio