Home NATIONWIDE Legarda: Edukasyon dapat unahin, di dapat umikot sa pulitika

Legarda: Edukasyon dapat unahin, di dapat umikot sa pulitika

1
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Sen. Loren Legarda na ang adbokasiya, polisiya, at serbisyo publiko ay hindi nakabatay sa posisyon o titulo, kundi sa layuning mapabuti ang buhay ng mga Pilipino, lalo na ang mga estudyante.

Sa kanyang talumpati sa ika-32 anibersaryo ng Commission on Higher Education (CHED) noong Hunyo 10, 2026 sa PICC, sinabi niyang mahalagang ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pulitika at ituon ang pansin sa kapakanan ng mga mag-aaral.

“Advocacy, policies, and the work we do go beyond titles, go beyond designations and chairmanships, because there’s so much work to do that we have to remain united in our vision and our mission to get it done,” ani Legarda.

Dagdag pa niya, “I join our chair and all of you, the commissioners, and all of those present here today and online, in resolving political differences and shutting out all political noise and working for the betterment of our young learners and the Filipino people.”

Nagbabala rin ang senadora laban sa mga batas at programa na ipinapahayag ngunit kulang sa pondo, na aniya ay nagdudulot lamang ng maling pag-asa sa publiko. Giit niya, dapat tiyakin na ang mga batas ay may sapat na implementasyon at hindi nagiging “empty promises.”

Binalikan din niya ang mga nakaraang hakbang sa pagpopondo ng free college education at mga reporma sa sektor ng edukasyon, kabilang ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at iba pang batas para sa mga estudyante.

Ayon kay Legarda, dapat ding gumamit ang Department of Budget and Management ng tamang datos upang maiwasan ang kakulangan sa pondo ng mga programang pang-edukasyon.

Sa huli, tiniyak niya ang patuloy na suporta sa mga reporma na magpapalakas sa mga institusyong pang-edukasyon at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipinong mag-aaral. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here