Home METRO Magnitude 5.7 lindol yumanig sa DavOcc

Magnitude 5.7 lindol yumanig sa DavOcc

3
0

DAVAO OCCIDENTAL, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Hunyo 13. Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol alas-10:05 ng umaga, 21 kilometro mula sa Balut Island, at may lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol at isa itong aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.

Naramdaman ang Intensity V sa General Santos City; Intensity IV sa mga bayan ng Malapatan, Malungon, Maasim at Kiamba sa Sarangani; Tupi at T’boli sa South Cotabato; at Santa Maria sa Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, posibleng may pinsalang dulot ang lindol ngunit hindi inaasahan ang mga karagdagang aftershock.

Samantala, umakyat na sa 61 ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8, ayon sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD). Nasa 1,221 naman ang sugatan habang 33 katao pa ang nawawala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here