Home NATIONWIDE 120 estudyante binakunahan kontra cervical cancer sa Bulacan

120 estudyante binakunahan kontra cervical cancer sa Bulacan

Bulacan – Nasa 120 mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan dito ang libreng nabakunahan ng HPV vaccines ng kinauukulan kontra cervical cancer sa lungsod ng Malolos.

Sinasabing sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., muling umarangkada ang pagbabakuna sa batang mag-aaral sa pangunguna ng Department of Health (DOH, katuwang ang Department of Education DepEd, pamahalaang lalawigan at bayan sa lalawigang ito.

Naganap ang pagbabakuna nitong umaga ng Lunes, nitong Abril 29 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan, Convention Center ng lungsod sa 120 batang babaeng nasa 9 hanggang 14 taong gulang o grade 4 hanggang grade 6 student mula sa bayan ng Pulilan at Plaridel.

Sinasabing pangatlong beses na itong umarangkada upang lalong maiparating sa lahat na kwalipalikadong mag-aaral sa pampublikong paaralan na maaring libreng magpabakuna sa kanilang mga nakahandang klinika sa buong lalawigan.

Hinimok ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Alex Castro ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maka-iwas sa naturang sakit. Dick Mirasol III