Home METRO Babae natagpuang patay sa kalsada sa Pangasinan

Babae natagpuang patay sa kalsada sa Pangasinan

PANGASINAN-Isa nang malamig na bangkay ang isang babaing nasa edad 30-40 nang matagpuang ito ng isang lalaking nagdya-jogging sa Brgy. Cabuaan, Bautista ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Abril 16.

Patuloy na kinikilala ng mga otoridad ang biktimang may artificial colored blond hair, fair complexion, medium built, nasa 5ft hanggang 5’2” ang taas.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang nagngangalang Noel Herrera y Aquino, 39, may asawa, sales clerk, residente ng Brgy. Baluyot, Bautista, Pangasinan ang nakadiskubre sa bangkay.

Bandang 6:30 ng umaga, habang nagdya-jogging sa naturang lugar si Herrera ay nakita nito ang biktimang nakabulagta.

Agad na ipinagbigay-alam ni Herrera sa Bautista Municipal Police Station ang kanyang nadiskubre.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan sa biktima at para malaman kung ano ang ikinamatay nito. Rolando S. Gamoso