Home NATIONWIDE Dividends mula GOCCs umabot sa P39.9B mula Enero ‘gang Abril

Dividends mula GOCCs umabot sa P39.9B mula Enero ‘gang Abril

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Finance (DOF) na umabot sa halos P40 bilyon ang mga dibidendo na nakolekta mula sa government-owned or-controlled corporations (GOCCs) mula Enero hanggang Abril 24 ngayong taon.

Sa pahayag, sinabi ng DOF na ang dividend collections sa nasabing panahon ay mas mataas sa P8 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa ilalim ng Republic Act 7656 o Dividends Law of 1994, kailangang ideklara at iremit ng lahat ng GOCCs ang nasa 50% ng kanilang annual net earnings sa pamahalaan.

Tinaasan ni Finance Secretary Ralph Recto ang divided rate remittance ng GOCCs mula sa kanilang net earnings para sa 2023 mula sa minimum na 50 percent, na mandato ng Republic Act 7656, patungong 75 percent.

Ani Recto, ang pagtataas ay bahagi ng hakbang ng DOF para makakuha ng mas maraming pondo para sa infrastructure at socio-development projects ng administrasyong Marcos.

Noong nakaraang taon, ang dividends mula sa mga GOCC ay tumaas ng 46% sa P99.98 billion mula P68.34 billion noong 2022.

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang top dividend contributor noong 2023 sa P55.61 billion, sinundan ng Philippine Deposit Insurance Corporation sa P14.05 billion.

Kasama pa sa top dividend contributors ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (P6.96 billion), Philippine Ports Authority (P4.44 billion), Power Sector Assets & Liabilities Management Corporation (P3.15 billion), at Philippine Charity Sweepstakes Office (P2.67 billion). RNT/JGC