Home NATIONWIDE Dress code adjustment ipinatupad ng BI vs sobrang init

Dress code adjustment ipinatupad ng BI vs sobrang init

MANILA, Philippines – NAGPATUPAD ang Bureau of Immigration (BI) ng dress code adjustment sa gitna ng matinding init na nararanasan sa bansa.

Sa isang memorandum, inihayag ng administrative division ng BI na ang lahat ng empleyado ay maaaring magsuot ng smart casual uniform simula Mayo 7 hanggang Mayo 31, maliban sa Lunes kung saan kinakailangan ang kumpletong uniporme.

Nabatid na exempted sa memorandum ang mga empleyado sa ilalim ng civil security unit at ang mga nakatalaga sa international ports of entry at exit.

Ang naturang hakbang ay bunsod sa nararanasang nakakapasong temperature sa bansa, kung saan ilang lugar ang idineklara ng PAGASA bilang may delikadong heat index classification.

Nauna rito, pinayagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga empleyado ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na magsuot ng magaan na uniporme habang naka-duty dahil sa ang sobrang init.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang kaligtasan ng mga empleyado nito sa panahon ng matinding lagay ng panahon ang pinakamahalaga kaya ipinatupad ang dress code adjustment.

Pinayuhan namang ang publiko na mag-ingat upang maiwasan ang heat exhaustion at heat stroke. Jay Reyes