MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ang publiko sa pagbabawal ng e-bikes, e-trikes, at iba pang katulad na sasakyan sa major roads sa Metro Manila simula sa Lunes, Abril 15.
“Sa ating mga kababayan na gumagamit ng e-bikes, e-trikes, at mga kuligligs, tricycles, bawal na po kayo sa mga pangunahing lansangan dito sa Metro Manila by April 15, magstart na po tayo manghuli, hindi na po natin ‘yan i-eextend,” giit ni MMDA Chairman Romando Artes sa isang press conference.
Pagmumultahin ng P2,500 ang lalabag sa alituntunin, subalit para sa mga walang lisensya o walang vehicle registration documents, mai-impound ang kanilang sasakyan.
“Ang penalty po ay P2,500, pero kung kayo po ay walang lisensiya or walang rehistro ‘yong e-bikes or e-trikes ‘yan po ay ma-susubject sa pag-impound dahil wala po kaming pagchacharge-an ng penalty ‘pag ganoon po ang sitwasyon,” dagdag ng opisyal.
Sa memorandum circular no. 4 ng MMDA, ipinagbabawal ang e-bikes, e-trikes, tricycles, at “kuligligs” sa mga sumusunod na kalsada:
Claro M. Recto Avenue, Manila
President Quirino Avenue, Manila
Araneta Avenue, QC
Epifanio Delos Santos Avenue
Katipunan/C.P. Garcia, QC
Southeast Metro Manila Expressway
Roxas Boulevard
Taft Avenue
Osmeña Highway
Shaw Boulevard
Ortigas Avenue
Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
A.Bonifacio Avenue
Rizal Avenue
Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue
Marcos Highway
Boni Avenue
España Boulevard
Iba pang daan na maaaring tukuyin ng MMDA. RNT/SA