Home NATIONWIDE ER ng PGH ‘di muna tatanggap ng pasyente

ER ng PGH ‘di muna tatanggap ng pasyente

MANILA, Philippines — Pansamantala munang hindi tatanggap ng bagong pasyente ang emergency room ng Philippine General Hospital bunsod ng panibagong sunog na nangyari noong Sabado.

Matatandaang tinupok ng apoy ang likurang exit ng ER Complex sa kahabaan ng hallway sa pagitan ng Radiology at Ward 14A.

Ang pagsasara ay dahil na rin sa isasagawang karagdagang inspeksyon at paglilinis sa critical areas na naapektuhan ng sunog.

Umabot sa 18 pasyente sa ER ang kinailangang inilipat sa ibang mga ospital sa Maynila.

Bukod sa ER, naapektuhan din ng usok mula sa sunog ang rin  OB Admitting Section, Ward 14A, 14B, 15 at 16, Maternal Unit, at iba pang pay ward.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Fire Department. RNT