Home NATIONWIDE P7.5M tanim na marijuana winasak sa Ilocos Sur

P7.5M tanim na marijuana winasak sa Ilocos Sur

LAOAG CITY – Winasak ng awtoridad ang fully grown marijuana plants na may kabuuang halagang PHP7.5 milyon sa Sugpon, Ilocos Sur nitong weekend.

Sinabi ni Joel Plaza, Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (Ilocos) Director, na 37,700 halaman ng marijuana ang nabunot mula sa pitong plantasyon noong Biyernes at Sabado.

Nadiskubre noong Biyernes ang unang limang plantation sites, na may kabuuang 4,200 square meters sa Sitio Tangilig at nagkakahalaga ng PHP5.3 milyon.

Dalawa pang plantasyon ang natuklasan noong Sabado, na nagkakahalaga ng PHP2.2 milyon, sabi ni Plaza.

Nagsagawa ng mga operasyon ang mga opisyal ng PDEA Ilocos Norte at Ilocos Sur, Regional Mobile Force Battalion at mga himpilan ng pulisya sa mga bayan ng Sugpon, Cervantes, Suyo, Sigay, Lidlidda, Tagudin, San Emilio, Nagbukel, Galimuyod, Salcedo, at Gregorio del Pilar. RNT