Home OPINION PEKENG YOSI AYAW NI P/GEN MARBIL

PEKENG YOSI AYAW NI P/GEN MARBIL

NITONG nakaraang linggo nag-order si Philippine National Police Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil  ng nationwide crackdown sa mga peke at ‘smuggled’ na sigarilyo.

Ito raw ay base na rin sa ulat ng Bureau of Internal Revenue na P25.5 bilyon ang nawawalang kita ng pamahalaan bunga nito. Apektado na rin, aniya, ang kabuhayan ng mga tobacco farmer at kalusugan ng publiko.

“I have directed all concerned police units to intensify the crackdown against fake and smuggled cigarettes. The PNP is committed to eradicating the illicit cigarette trade that not only undermines government revenues but also poses serious health risks to the public. Our intensified efforts will include heightened surveillance, stricter border controls, and coordinated operations with other law enforcement agencies,” ang pahayag ni Marbil.

Ayon sa ulat ng BIR, ang paglipana na mga peke at smuggled na sigarilyo ay nagdulot ng ‘15.9 percent’ pagbaba sa kita ng pamahalaan noong 2023, na nagkakahalaga ng P25.5 bilyong lugi nang sumunod na taon.

Mula January hanggang April lamang ng taon na ito, iniulat ng BIR ang P6.6 bilyon na pagkalugi ng pamahalaan.

“The battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just a fight for revenue or law enforcement; it is a crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability. We will not rest until every illicit operation is dismantled, every counterfeit product seized, and every violator brought to justice,” pagdidiin ni Marbil.

“Our goal is clear: we will safeguard our country from the evils of this illicit trade that comes as an affront to the welfare of small farmers and their dependents. We are committed to bring its purveyors to justice, no matter who or what they are,” dagdag pa ng PNP top cop.

Upang masawata ang pangyayari, inirekomenda ng BIR ang maigting na kampanya laban dito katuwang ang pagpapatupad ng mga tamang buwis.

Ang kautusang ito ni Marbil ang kasagutan sa problemang ito.

Naisa-isip ito ni Marbil bunsod na rin nang sunod-sunod na matagumpay na pulis operations sa Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga City, kung saan may mga naarestong indibidwal at pagkumpiska ng mga peke at puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Hindi malayong hihina ang pagpupuslit ng mga pekeng sigarilyo at mababawasan ang peligro nito sa kalusugan ng mga bibiling kumpare nating mahilig mag-yosi.