Home OPINION SSS: “MAG-INGAT”, HUWAG MAGING BIKTIMA NG FIXERS AT ONLINE SCAMMERS!

SSS: “MAG-INGAT”, HUWAG MAGING BIKTIMA NG FIXERS AT ONLINE SCAMMERS!

MULING pinaaalalahanan na maging maingat at mapagmatyag sa inyong mga transaksyon sa SSS o Social Security System, lalo na sa paggamit ng inyong My.SSS account.

Narito ang ilang paraan upang mapanatiling ligtas ang paggamit ng inyong My.SSS account:

1.  Mag-ingat sa email o text message na diumano ay mula sa SSS na nanghihingi ng personal information katulad ng inyong SS number, USER ID, password at disbursement account. Huwag ipaalam sa iba at panatilihing “confidential” ang mga naturang impormasyon.

2. Mag-ingat sa mga text message mula sa hindi rehistradong numero na naglalaman ng link. Huwag i-click ang link sa mga mensaheng ito o i-copy-paste sa inyong mga browser dahil ito ay isang anyo ng SMS Phishing o SMiShing, na kadalasang ginagamit ng mga scammer upang makakuha ng personal information (SS number, USER ID, password, disbursement account, cellphone number at One-Time-Pin (OTP).

3. Suriing mabuti ang pagkakakilanlan ng taong nakikipag-ugnayan sa inyo sa social media, telepono, text, o email. Palaging tingnan kung kanino o saan galing ang email. Ang domain ng official email address ng SSS ay @sss.gov.ph.

Ang official social media accounts ng SSS ay mayroong blue verification badge na nagkukumpirma ng authenticity o pagi­ging tunay ng mga ito.

Makipag-ugnayan sa SSS:
– Hotline  :  02-1455 or 8-1455
– uSSSap Tayo Portal – https://crms.sss.gov.ph/
– Email Address – [email protected]

Bisitahin ang mga official SSS social media pages:
– Facebook  :  SSSPh
– X (former Twitter)  :  PHLSSS
– YouTube  :  MySSSPH
– Viber  :  MySSSPH Updates

Huwag makipagsabwatan sa fixers. Ang pagfi-fixing at/o pakikipagsabwatan sa fixers ay paglabag sa R.A. 11199 (Social Security Act of 2018) at R.A. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018).

Kung kayo ay naging biktima ng scammers o fixers sa inyong SSS online transactions, hinihikayat naming kayong magsampa ng reklamo at makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group o National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division.

Sa pamamagitan ng SSS Special Investigation Department (SID), matutulungan ninyo ang law enforcement agencies na makapagsampa ng kaso laban sa mga fixers o scammers. I-report ang fixers o scammers sa SID:
Address  :  4th Floor, SSS Main Office, East Avenue, Diliman, Quezon City
Tel Nos.  :  (02) 89247370
Email  :  [email protected]

Maaari ring magtungo sa E-Center ng alinmang sangay ng SSS kung saan may Member Service Representatives na handang tumulong sa mga miyembro sa paggamit ng online services.