Home METRO Tulak in tandem timbog sa P602K ‘kush’ sa Bulacan buy-bust

Tulak in tandem timbog sa P602K ‘kush’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang dalawang indibidwal matapos umanong mahulihan ng P602,400 halaga ng high-grade marijuana at hashish o cannabis oil sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Miguel.

Sa report kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr ng Bulacan police nakilala ang mga naaresto sa alyas na Brent at Wako.

Ayon kay Hidalgo, ikinasa ang operasyon ng San Miguel police bandang 11:40 ng gabi nitong Abril 15 sa Brgy. Partida.

Nalamang hinuli ang dalawa ng mga awtoridad nang kunin sa kanila ang halagang P10,000 kapalit ang dalawang plastic sachet na pinaghihinalaang high-grade marijuana (Kush).

Nasamsam pa sa dalawa ang kabuuang 400 grams ng high-grade marijuana (kush) at 35 ml ng hashish oil na nagkakahalagang P602,400.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)