Home NATIONWIDE Zambo grad nanguna sa Pharmacist Licensure Exam

Zambo grad nanguna sa Pharmacist Licensure Exam

MANILA, Philippines- Isang nagtapos mula sa Universidad de Zamboanga (ZAEC) ang nanguna sa 2024 Pharmacists Licensure Examination (PLE) na isinagawa noong unang bahagi ng buwan, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes.

Pumasa sa 2024 PLE ang may kabuuang 1,185 sa 2,147 examinees na ibinigay noong Abril 16 at 17 sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Lucena, Pampanga, Rosales, Tuguegarao at Zamboanga, sabi ng PRC.

Nakakuha si Rhedz-Wei Talling Hadjula ng ZAEC ng 92.58% na rating, na naging pinakamataas na scorer sa pagsusulit.

Sinundan ni Anthony Tocayon ng University of the Philippines (UP) Manila si Hadjula na nakakuha ng 92.50%, habang pumangatlo si Nick Corcino ng University of San Agustin (USA) na may 92.47% na rating.

Si Jemekka Jazmin Gladys Miaral ng USA ay napunta sa ika-apat na pwesto na may 91.47% rating at si Faima Escandar Nain ng ZAEC ang ika-lima na may 91.25%.

Si Darlene Niña Melgarejo ng USA ay ika-anim sa 91.10% at sumunod si Wayne Rose Padayhag ng San Pedro College-Davao sa ika-pitong pwesto na nakakuha ng 90.95%.

Si Juan Miguel Olmedilla ng Our Lady of Fatima University-Antipolo City ay ika-walo sa 90.85%.

Sinundan siya ni Romuelle Barbado ng Urdaneta City University na nakakuha ng 90.80%. Nakumpleto ni Raksheedkhan Alaja Jainal ng ZAEC ang listahan ng Top 10 na may rating na 90.62%.

Samantala, ang Adamson University ang top-performing school para sa 2024 PLE na may 100% passing rate. Jocelyn Tabangcura-Domenden