Home NATIONWIDE 1 patay sa outbreak ng Guillain-Barre syndrome sa India

1 patay sa outbreak ng Guillain-Barre syndrome sa India

INDIA – Isa katao ang nasawi dahil sa outbreak ng Guillain-Barre syndrome (GBS) sa Maharashtra state sa India.

Ang GBS ay isang neurological disease na nagdudulot ng pamamanhid, panghihina at pananakit ng katawan.

Ayon sa health officials nitong Lunes, Enero 28, tumataas ang kaso nito sa nasabing estado.

Mayroong kabuuang 101 kaso ng GBS ang iniulat na karamihan ay nasa Pune City.

Galing sa Solapur City ang iniulat na nasawi, habang mayroong 16 pasyente ang naka-ventilator.

“Citizens should not panic – the state’s health department is prepared to implement preventive and control measures,” saad sa pahayag ng health department.

Nagpadala na ng seven-member team ang pamahalaan para suriin ang sitwasyon sa Pune kasunod ng outbreak.

Sa naturang kondisyon ng GBS, inaatake ng immune system ng katawan ang mga nerve na nagdudulot ng paralysis at kamatayan.

Karamihan sa mga sintomas ay lumilitaw ilang araw o linggo matapos ang viral o bacterial infection.

“The exact cause is not known behind the sudden rise in GBS cases,” ani Avinash Bhondwe, dating pangulo ng Indian Medical Association, Maharashtra.

“Auto-immune diseases are not communicable, it cannot spread from one patient to another. But the causative infection usually spreads.”

Posibleng dahilan ang maruming inuming tubig sa lugar. RNT/JGC