Home NATIONWIDE Paggamit ng China sonic weapon vs PCG, kinondena ni Estrada

Paggamit ng China sonic weapon vs PCG, kinondena ni Estrada

MANILA, Philippines – Kinondena ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada nitong Lunes, Enero 27 ang paggamit ng China ng long-range acoustic device (LRAD) para harasin ang mga barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Tinawag ni Estrada ang hakbang na ito bilang
“unacceptable provocation” at isang seryosong pagpapatindi ng mga agresibong taktika nito.

Sinabi ng PCG na gumamit ang China Coast Guard (CCG) vessel 3103 ng acoustic weapon nitong Enero 25.

“Kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap ang pananakot, harassment at pang-aabuso sa ating karapatan, lalo na’t nilalagay sa panganib ang mga nagpapatrolya ng ating mga karagatan (Intimidation, harassment and abuse of our rights will never be acceptable, especially if it puts those who patrol our oceans at risk),” pahayag ni Estrada.

Idinagdag niya na ang paggamit ng naturang device ay malinaw na paglabag sa international maritime laws.

Hinimok ni Estrada ang China na tigilan na nito ang mga agresibong aksyon at “adhere to international norms.”

Nanawagan din siya sa global community na suportahan ang Pilipinas sa pagtindig sa international law at masiguro ang freedom of navigation. RNT/JGC