Home METRO 3 patay sa magkakahiwalay na road crash sa Iloilo, Cebu

3 patay sa magkakahiwalay na road crash sa Iloilo, Cebu

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong indibidwal kabilang ang isang 12-anyos na batang babae sa magkakahiwalay na traffic incidents sa Iloilo City at Cebu.

Dalawa katao ang nasawi sa Iloilo City matapos na sumalpok ang overloaded na sasakyan sa isang wing van.

Sa ulat, patay ang drayber at isa sa mga pasahero habang dinala naman sa ospital ang anim iba pang pasahero para gamutin.

Nasa kustodiya ng pulisya ang drayber ng wing van.

Samantala, sa Alcantara, Cebu ay nasawi ang 12-anyos na batang babae matapos na mabangga ng delivery van ang motorsiklo na minamaneho ng kanyang ina.

Tumilapon ang biktima at bumagsak sa lupa.

Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang drayber ng delivery van. RNT/JGC