Home NATIONWIDE 22 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon

22 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 22 volcanic earthquakes, kabilang ang tatlong volcanic tremors sa Bulkang Kanlaon.

Ang naturang mga pagyanig ay tumagal ng walo hanggang 31 minuto.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala rin ang tatlong ash emissions sa bulkan na tumagal ng lima hanggang 44 minuto at hanggang 4,222 tonnes ng Sulfur Dioxide.

Naitala rin ang 900 metrong taas ng voluminous plume at patuloy na degassing na may paminsang ash emission.

Nananatiling maga ang edifice ng Bulkang Kanlaon.

Sa kasalukuyan ay nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC