Home NATIONWIDE 1 Senate bet, 4 party-list groups nakapaghain na ng SOCE

1 Senate bet, 4 party-list groups nakapaghain na ng SOCE

301
0

MANILA, Philippines- Limang national candidates sa May 12 midterm elections ang naghain na ng kanilang Statements of Contribution and Expenditures (SOCEs).

Sa datos na ibinahagi ng Commission on Elections, ipinakita na ang natalong kandidato na si Vic Rodriquez ang unang nagsumite ng SOCE noong May 23.

Naghain na rin ng SOCE ang Party-list groups Abono, Abante Panagsinan-Ilokano, 1-Pacman, at Partido Demoktratiko Sosyalista ng Pilipinas.

Lahat ng kandidat , polical parties at party-list groups ay kinakailangang magsumite ng kanilang SOCEs, 30 araw mula sa petsa ng halalan o hanggang June 11.

Sinabi ng Comelec-Political Finance and Affairs Department na ang SOCE na inihain nang lampas sa deadline ay hindi na tatanggapin.

Maaari namang magresulta sa mga multa ang pagkabigong maghain ng SOCE para sa unang pagkakasala at panghabang-buhay na diskwalipikasyon para sa repeat offenders.

Ang pagsusumite ay maaaring gawin sa mga karaniwang araw at Sabado, kabilang ang mga pista opisyal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang lahat ng SOCE ay dapat ihain sa itinakdang bilang ng mga hard copy na may kasamang soft/electronic copy (PDF at Excel format).

Hindi naman papayagan ang pagsusumite ng SOCE via registered mail, electronic mail courier o messener services.

Bukod dito, ang notarized SOCE ay dapat ding may lagda ng kandidato o ng party treasurer ng political party at party-list. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here