Home NATIONWIDE Pagsira sa rejected ballots inumpisahan na ng Comelec

Pagsira sa rejected ballots inumpisahan na ng Comelec

171
0

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) na sirain ang 6.7 milyong hindi nagamit na opisyal na balota at accountable forms na naimprenta para sa 2025 national and local elections (NLE).

Pinangunahan ni Commissioner Rey Bulay, commissioner-in-charge para sa Committee on Ballot Printing ang disposal ng rejected ballots sa National Printing Office sa Quezon City.

Pupunitin ng mga tauhan ng Comelec ang rejected ballots bago dalhin sa disposal facility sa Pampanga para direktang tunawin. Ang proseso ay inaasahang magtatagal ng sampung araw.

Samantala, sinabi ni Bulay na ang bilang ng invalid ballots ay tumaas mula 3 milyon sa 6.7 milyon para sa 2025 polls kabilang na ang mga may punit at mantsa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here