MANILA, Philippines- Sugatan ang isang indibidwal matapos magkabanggaan ang dalawang truck at isang van sa kahabaan ng South Luzon Expressway nitong Biyernes.
Ayon sa ulat, makikita sa isang video na nasira ang harap ng trailer truck habang tumagilid ang wing van.
Base naman sa isang saksi, hindi madaanan ang southbound lane malapit sa Sto. Tomas, Batangas bandang tanghali dahil sa insidente, batay sa ulat.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police Highway Patrol Group, sumabog ang isa sa mga gulong ng trailer truck dahilan upang tumama ito sa concrete barriers.
Bigla namang naapakan ng driver ng wing van ang preno kaya nabangga ito ng isa pang truck.
Sugatan ang kasamahan ng isa sa truck drivers at dinala sa ospital. RNT/SA