MANILA, Philippines- Agad binawian ng buhay ang isang indibidwal sa isang aksidente sa kalsada sa bayan ng Pandan, sa lalawigan ng Antique nitong Lunes ng umaga, base sa Pandan Municipal Police Station.
Patay ang driver ng van sa banggaan sa isang pampasaherong bus sa Barangay Fragante, Pandan.
Sa inisyal na police investigation, 19 pasahero ang sakay ng bus, kabilang ang driver at konduktor.
Sa kasalukuyan, hindi pa natutukoy ang eksaktong bilang ng mga indibidwal na sakay ng van. RNT/SA