Home NATIONWIDE 10,426 pasado sa PNP entrance exam

10,426 pasado sa PNP entrance exam

MANILA, Philippines- May kabuuang 10,426 examinees ang pumasa sa Philippine National Police Entrance Examination (PNPEE), ang unang hakbang sa aplikasyon upang maging miyembro ng kapulisan ng bansa.

Inanunsyo rin ng National Police Commission (Napolcom) na may kabuuang 2,807 aktibong pulis ang nakapasa sa promotional exam para sa ranggong Police Corporal hanggang Police Lieutenant Colonel. 

Ayon sa Napolcom, kumakatawan ang 10,426 pumasa sa 28.65 porsyento ng kabuuang 36,386 examinees noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang passing rate naman para sa police promotional examination ay 34.87 porsyento sa 2,807 pumasa mua sa 8,050 examinees.

Makikita ang buong listahan ng mga pumasa sa NAPOLCOM website (www.napolcom.gov.ph). RNT/SA