MANILA, Philippines- Naghain ng isang panukalang batas si Senador JV Ejercito na iurong ang unang regular election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa August 11, 2025, tatlong buwan pagkatapos sa itinakdang panahon.
Sa pag-isponsor ng Senate Bill No. 2942, gusto ni Ejercito na amyendahan ang Article XVI, Section 13 ng Republic Act No. 11054, o mas kilala bilang Bangsamoro Organic Law na pagsanibin ang halalan sa hinaharap sa 2028 national polls at kada tatlong taon.
Habang pinapahalagan ang karapatang bumoto, sinabi ng chairman ng Senate Committee on Local Government na magsisilbing mas mahusay na kadahilanan ang panukalang adjustment sa BARMM polls.
“After careful deliberation and consultations with all stakeholders, we have crafted a committee report that is both inclusive and acceptable,” ayon kay Ejercito.
“This bill does not seek to deny anyone their right to vote. Instead, it proposes a reasonable adjustment to give the Commission on Elections (Comelec) significant time to prepare and the current Bangsamoro Transition Authority (BTA) to wind up their transactions,” dagdag ng senador.
Aniya, tutugunan ng extension ang ilang pagkakamali hinggil sa status at sahod ng BTA employees. Sa ilalim ng panukala, magsisilbi ang BTA members hanggang maihalala ang kanilang kahalili at mapanumpa sa tanggapan.
Awtomatikong ikokonsidera ng panukala, na pangunahing inawtor ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, ang lahat ng kandidato na naghain sa 2024 election bilang nominees sa 2025 polls.
Sakaling maibatas, pahuhusayin ng panukala ang pambansang prosesong electoral at magbibigay sa Bangsamoro region ng matatag at epektibong landas patungo sa pagsasarili.
“I hope this measure reflects the collective aspirations of our Filipino Muslim brothers and sisters,” ayon kay Ejercito. Ernie Reyes