Manila, Philippines- Uploaded na sa official Facebook page ng VinCentiments ang trailer ng kontrobersyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ang VinCentiments ay kumpanyang pagmamay-ari ni Darryl Yap na siya ring direktor ng nasabing pelikula.
May caption ito na: “The trailer of truth!”
Kapansin-pansin na edited out ang bahagi kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto–dahilan para magsampa siya ng writ of habeas data na naglalayong ipatanggal lahat ng promotional materials nito.
Mapapanood din sa trailer ang mga nagsisiganap sa movie sa pangunguna ni Rhed Bustamante bilang Pepsi Paloma.
Naroon din sa trailer ang actress-director na si Gina Alajar as Charito Solis.
Gumaganap bilang ina ni Pepsi na si Delia ay si Shamaine Buencamino.
Naroon din si Beverly Salviejo bilang Monica, ang talent scout na nagpakilala kay Pepsi sa naging tagapamahala ng career nitong si Dr. Rey dela Cruz.
Of the characters, kinabiliban ang akting ni Mon Confiado bilang si Dr. Rey.
Mapapansin ding paborable ang ilan sa mga reviews ng trailer.
Hinihimok ng mga netizens na panoorin muna ang kabuuan ng pelikula bago ito husgahan.
It will be noted that direk Darry vowed to finish the movie–bilang matipid na sagot sa itinakdang summary hearing sa Muntinlupa RTC kung saan nagharap sila ni Vic.
Sa Pebrero nakatakdang mag-showing ang ayon sa mga netizens ay obra ng “brave director” bilang paggunita sa 40th death anniversary ni Pepsi, na kababayan daw niya sa Olongapo. Ronnie Carrasco III