Home NATIONWIDE Mahalagang kontribusyon ng ADB sa pag-unlad ng Pinas kinilala ni PBBM

Mahalagang kontribusyon ng ADB sa pag-unlad ng Pinas kinilala ni PBBM

MANILA, Philippines- Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang kontribusyon ng Asian Development Bank (ABD) sa pag-unlad ng bansa partikular na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos si outgoing ADB President Masatsugu Asakawa na nag-farewell call sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

“I have to always thank you for the involvement of ADB. The partnership of ADB and the Philippines has certainly grown to a great deal,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Of particular note, it was the support of ADB during the pandemic. That was critical. That was absolutely critical for our recovery. Without your help it would have been a much more difficult situation for us,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Pangulo na ang ADB ay patuloy na nasa forefront ng lahat ng foreign-assisted projects sa bansa.

Nagpahayag naman ang Pangulo ng kanyang intensyon na mas palakasin pa ang partnership ng bansa sa ADB.

“We fully intend to increase that engagements and continue to make them stronger. Again, thank you for all the help,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Upang kilalanin ang patuloy na pagsuporta at serbisyo ng ADB, pinagkalooban ni Pangulong Marcos si Asakawa ng Order of Sikatuna na may rank na Datu (Grand Cross) Gold Distinction.

Ang parangal ay ipinagkalob kay Asakawa bilang pagkilala sa kanyang mahalagang pagsisikap na mas palalimin pa ang partnership at ang pangkalahatang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ADB.

Binigyang-diin din ang kanyang natatanging liderato sa paggabay sa ADB na manatiling ‘responsive’ sa mga pangangailangan at aspirasyon ng mga mamamayang Pilipino partikular na sa aspeto ng “economic development, health, infrastructure investment, climate resilience, at human capital development.”

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Asakawa si Pangulong Marcos na pumayag na makipagpulong sa kanya bago pa magtapos ang kanyang panunungkulan.

Si Asakawa ay nagsilbi bilang ADB president sa loob ng limang taon, nagsimula ang kanyang termino noong Enero 17, 2020. Kris Jose