Home NATIONWIDE Tsina sa Pinas: ‘Shadow-chasing,’ paglalako ng ‘Chinese spy’ tuldukan

Tsina sa Pinas: ‘Shadow-chasing,’ paglalako ng ‘Chinese spy’ tuldukan

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Tsina sa Pilipinas na tigilan na ang “shadow-chasing” at paglalako ng ulat ng sinasabing Chinese spy na nahuli sa Maynila.

“The Chinese government, as always, asks Chinese nationals overseas to abide by local laws and regulations,” ang sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning.

“We hope the Philippines will stick to the fact, stop shadow-chasing, stop peddling the so-called ‘Chinese spy,’ and earnestly protect the lawful rights and interests of Chinese nationals in the Philippines,” dagdag ng opisyal.

Ang pahayag ni Mao ay tugon sa pag-aresto isang Chinese national at dalawang Pinoy na pinaghihinalaang nagsasagawa ng espionage operations sa military bases, police camps, local government offices, bukod sa iba pa.

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nakuha nila ang rekord ng umano’y espionage activities sa bansa ng inarestong Chinese national.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang 39 taong gulang na Tsino ay bumibiyahe o labas-pasok sa Pilipinas simula pa noong 2015 at umano’y kasal sa isang Pinay.

Binisita rin umano ng mga naarestong suspek ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pinagsama-sama ng mga ito ang data at tinransmit (transmit) ang mga ito sa pamamagitan ng remote application sa kanilang equipment.

Samantala, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang data ay maaaring gamitin para sa ‘military purposes.’ Kris Jose