Home NATIONWIDE Mobile kitchen ng DSWD aarangkada na

Mobile kitchen ng DSWD aarangkada na

MANILA, Philippines- Aarangkada na ang Mobile kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa darating na Pebrero upang makatulong sa response efforts ng kagawaran sa panahin ng kalamidad.

Ayon kay Dir. Leo Quintilla, nasa 15 unit ng customized 4×4 six wheeler truck na mobile kitchen ang nakatakdang i-deploy sa mga rehiyon upang makatulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sa ginanap na DSWD Forum, sinabi ni Quintilla na pangunahing target ng mobile kitchen ang mga displaced family na biktima ng kalamidad.

Idinagdag pa ng opisyal na kumpleto na rin ang laman ng mobile kitchen mula sa oven, freezer, heavy duty single burner gas, water tank, mga kitchen utensils at sariling generator.

Ayon pa kay Quitilla, umiiral na rin ang pagsasanay ng DSWD sa magiging bahagi ng mobile kitchen team gaya ng driver, safety custodian, cook, kitchen worker at safety officer.

“Pangunahing seserbisyuhan ng mobile kitchen ay ang mga evacuation center na biktima ng kalamidad,” wika ni Quintilla.

Kaugnay nito, inaasahan namang ide-deploy ito sa mga evacuation center at sa mga lugar na may mga stranded na indibidwal.

Layon nitong makapaghain agad ng hot meals sa 500 benepisyaryo na apektado ng anumang kalamidad. Santi Celario