Home ENTERTAINMENT Alden, pumalit kay Luis bilang endorser, kinuwestyon!

Alden, pumalit kay Luis bilang endorser, kinuwestyon!

Manila, Philippines- Tulad ng alam ng lahat, target ni Luis Manzano na masungkit ang puwestong Bise Gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Si Luis ang running mate ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto na dati na ring nanilbihan bilang Batangas Gov bago napunta sa Kongreso.

Dahil sa susunod na buwan na magsisimula ang kampanya, mahigpit na ipinagbabawal ang media exposure sa mga kumakandidato tulad ng TV, pelikula at commercials.

Hindi ligtas dito si Luis who had to give up his endorsement of a popular detergent bar.

Kay Alden Richards napunta ang endorsement–bagay na kinuuwestyon ng marami.

Kelan pa raw gumamit ang Kapuso actor ng laundry detergent soap?

Hindi kasi maimadyin ng mga netizens na sa estado ngayon ni Alden ay nakukuha pa raw ba niyang labhan ang kanyang mga damit?

May paliwanag si Alden to justify his endorsement.

Aniya, noon daw ay nakasanayan niyang maglaba ng kanyang mga wearables.

Pati paglilinis ng bahay seeing to it that everything is in order ay bihasa rin si Alden.

Hindi nga ba’t minsan na siyang ibinuko ng kanyang amang si Richard Faulkerson na sobrang maselan sa mga gamit nito?

Kung “burara” ang ama, exact opposite naman si Alden! Ronnie Carrasco III